IACAT nagtungo sa ZamBaSulTa upang paigtingin ang pagbabantay sa mga “backdoor exit” ng Pilipinas laban sa Trafficking in Persons (TIP) at pagpupuslit ng mga migrante

01 February 2024

Naging matagumpay ang paglalakbay ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) mula 21 hanggang 26 ng Enero 2024 sa Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi o “ZamBaSulTa” para sa unang yugto ng pananaliksik ukol sa "backdoor exits" na ginagamit bilang ruta ng human traffickers palabas ng Pilipinas.
 
Sa pamumuno ng Undersecretary-in-Charge ng IACAT, Nicholas Felix L. Ty, at walang humpay na suporta ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamahala ni Commandant CG Admiral Ronnie Gil Gavan at sa katauhan ni Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) CG Commo Marco Antonio Gines, at tulong mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang IACAT contingent ay binubuo ng tatlumpu’t walong (38) delegado mula sa Department of Justice (DOJ), Department of Social Welfare and Development (DSWD), PCG, PAOCC, Bureau of Immigration (BI), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Philippine National Police (PNP), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Member of Parliament (MP), BARMM Regional Anti-Trafficking Task Force (RATTF), Palawan and Puerto Prinsesa Anti-Trafficking Task Force (PPATF), Zamboanga Sea-Based Anti-Trafficking Task Force (ZSBATTF), at NAIA Task Force Against Trafficking (NAIATFAT).
 
Nakipagpulong sila sa mga opisyal ng ZamBaSulTa tungkol sa sitwasyon ng backdoor exits na ginagamit sa human trafficking sa karagatan.
 
Naging positibo ang pananaw ni Usec. Ty na mahalagang hakbang ang naging paglalakbay ng IACAT sa ZamBaSulTa upang mas lumawak ang kamalayan ng Pilipino sa human trafficking. Sa pamamagitan nito, nakita ang determinasyon ng bansa sa paglaban sa anumang uri ng pang-aabuso at pananamantala na nagdudulot ng modern day slavery o human trafficking. Marami pang hakbang upang paigtingin ang pagbabantay sa mga backdoor exits sa karagatan.
 
Nagpasalamat ang IACAT sa lahat ng nagbigay suporta upang makapaglayag at makadalaw sa mga LGUs ng ZamBaSulTa.

More News Articles

We are ISO Certified